Wednesday, March 9, 2016

Ala-ala ng nakaraan

MEMORIES...




February 14, 2015...
Ang araw na nagustuhan kita at ang araw din na gumawa ako ng unang move. 
Hindi ko talaga alam kung bat koita nagustuhan. Siguro, sa kabibiro na din ayun nafall na ko sayo na dati rati sabi ko pa wag ka mafafall sakin tapos baliktad yung nagyare. Ikaw naman nagbigay din ng motibo haha. Edi ayun sa una fling fling lang , nagpapakiramdaman muna. Habang tumagal, lagi tayong magkasama, lagi tayong nagaasaran, lagi din tayong iisa ng trip. Hanggang sa dumating sa puntong ligawan na nga kita. Sabi mo hindi ka pa handa, wala pa sa isip mo ang magboyfriend pero ako, sabi ko handa ako maghintay, hindi kita minamadali, take your time. 
Maraming masasayang araw ang lumipas, marami ding hindi magagandang araw ang lumipas, tampuhan ek-ek. Pero bakit sa hinaba haba ng pagsasama natin, hindi din pala tayo sa huli, hindi din pala tayo ang para sa isat isa. Hindi kita sinukuan nun sa kabila ng kataasan ng pride mo, halos lunukin ko na nga yung sarili ko sa pagbaba ko ng pride magkaayos lang tayo pero bakit?. Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko. Bakit hindin pa din ikaw. Bakit kelangan pang matigil to. Kahit ilang beses mo na akong pinatitigil sa panliligaw kase puro away na nga lang eh nanliligaw pa lang ako pano pa kung maging tayo na. Yun yung nagstuck sa isip mo na baka kapag naging tayo lalo ng magaway pa. Pero yun yung pagkakamali mo, nagstay ka lang sa mga instinct at paniniwala mo. Ayaw mong hayaan yung sarili momg magexplore at alamin ang mga bagay bagay. Natatakot kang sumugal at masaktan, alam ko yun. Pero sana binigyan mo ng chance yung sarili mo namahalin ako kase ako handa ko ng ibigay ang lahat sayo kase sosbra kitang mahal NOON. Kinulong mo yung sarili mo sa paniniwal mong pare-pareho kaming mga lalaki. Dun ka nagkakamali. Boys will always be boys but this one is for sure, once na mafeel namin na nainlove na kami dun na dumadating at pumapasok yung pagkaseryoso namin. Lagi nyo sinasabing parepareho naman kaming mga lalaki, sasaktin at iiwan din namin kayo, parang mali ata, nagiging kayo yung parepareho. May time na ayaw nyo na kaming pakinggan, ayaw nyo kaming magexplain about everything kapag nagaaway tapos at the end of the day kapag nalaman nyo yung reasin namin magsisisi kayo, makokonsensya na bakit di nyo kami hinayaang magexplain. Kami kasing mga lalaki hilig naming magsinungaling in terms na mapangiti na lang kayo like surprises and stuffs. 
Kumusta na tayo ngayon, edi eto ni magusap hindi magawa. Siguro nga dapat hindi na kita niligawan eh. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana kung nagkakilala man tayo naging magkaibigan na lang tayo. Andaming nasayang eh, yung friendship at yung closeness. Ewan ko ba. 
That time nga nung pinatigil mo na ako at tumigil na nga ako kase, i think im done, i think its time naman para sa sarili ko, para sa sarili ko na sumaya at tanawin ang ganda ng buhay, hindi yung puro na lang away at sakit. Ang hirap. Di ko lubos maisip kung anong mangyayare sakin aftyer that. Para akong tanga nun na di mabubuhay na wala ka. That time kaya ko naman mabuhay na wala ka eh pero ayaw ko. Siguro nabulag din ako sa pagmamahal ko sayo na kahit ikaw yung may kasalanan magkaayos lang ako na yung magpapakumbaba na dumating sa puntong nasanay na ako sayo. At narealize ko na dahil dun naspoiled kita na kahit anong gawin  mong kalokohan mapapatawad pa din kita kase alam mo na mahal kita. Pano kaya kung hindi mo alam na mahal kita, magawa mo kaya yun?.
After all, nalaman kong lahat, yung mga sikreto mong tinatago, yung mga baho mo, at yung bad side ng ugali mo. Naisip ko nga buti na lang, buti na lang talaga. Nabulag talaga ako, masyado akong nagstay dunn sa mahal kita, hindi ko na naiisip na dapat mahal mo din yung sarili ko, kase kung pababayaan ko yung sarili ko para sa iba eh parang tanga lang, for the sake na sumaya lang yung iba nakakalimutan ko na yung sarili ko. 
This time, siguro alam ko na, hindi, this time alam ko na, na bago ko mahalin ang iba dapat mahal ko din yung sarili ko. Ang sakit. Ang sakit isipin na after all ng pinagdaanan ko mahahantong lang sa wala. 
Yung tayo, kahit walang tayo sobrang labo ng mabalik. Yung picture na yung nagsasabi na ganun na tayo kalabo. Malabo pa sa sabaw ng pusit. Siguro naging tanga talaga ako nung time na yun.
Sabi nga, kapag may umali may dadating. Kapag may nagsarang pinto , may bagong magbubukas. Eh pano kung ayaw mo ng bukasan yung pinto, paano mo makikita yung parating na bago. Yan yung nagyare sayo eh, you did'nt let your self to explore kaya eto ako yung nagdusa. 
Salamat. Salamat sa lahat. Makaakhanap din ako ng taong para sakin. Hindi pa ito yung tamang panahon, kelangan ko pang maghintay pa.

Tuesday, March 8, 2016

PG ft 3 Kings

POST-VALENTINES GIFTS




This surprise was conducted days after the valentines day.

     Before the valentines, naisip namin ni Paran at Philip na bigyan ng cake or gifts etong mga kaibigan namin babae. Then, isip kami ng isip if what we are going to give. As time goes by, naisip namin na bilhan na lang sila ng brownies or cookies at cupcakes para naman matuwa sila sa amin because we love them. Habang tumatagal parang may iba pa kami naiisp na gawin, para bang gusto naming gawan ng twist yung surprise namin kase minsan na nga lang magsurprise ayusin na. Edi ayun, naisip namin yung idea na bilhan na lang sila ng mg ibat-ibang pagkain at ilagay sa box. 

Noong bandang una chinachat ko sila, tinatanong ko kung ano yung kadalasan nila kinakain bukod dun s amga alam na namin na kinakain nila lagi, nagtaka sila bat ko tinatanong, ang sabi ko naman eh iboblog ko lang. Hahaha (Lusot). Edi ayun alam ko na yung mga kinakain nila kadalasan. 

Bumili na kami ng kelangan naming gamitin sa surprise. Bumili na kami ng box sa sm at ang idinahilan namin sa kanila eh pangsurprise ko daw sa baby ko hahaah. Paniwalang paniwala nga naman ang mga kumag haha. Tapos bumili na din kami ng ibang pagkain, pero ang dami pa naming di nabibili kaya naisipan namin nung tha day after eh pumunta kina paran na bahay at dun maggawa. Edi ayun, dun  na lang kami bumili ng iba pang pagkain at dun na din namin ginawa yung surprise. Nilagyan namin ng sticker note ang every pagkain na may message na may halong pambubully. Hahaha. Pagkatapos nun, pumasok na kami at takang taka sila kung ano daw at para kanino yung dala naming dalawang box. Syempre kami isip isip ng maidadahilan. Habang wala pa kaming klase sabi ko tulungan nila ako sa pagsusurprsie sa baby ko, yung team pempem at pg. Edi paniwala naman sila. Pinapasok namin sila sa classroom at pinapunta namin sa uana, pero ito namang si mariel ay kalokohan ay sya daw ang magvivideo, edi ayun habnag bi nibigaynnamin sa kanila yung box e andun sya sa likod hahah at eto namang mga mikong eh takang taka kung totoo daw na kanila yun at ayaw pa buksan at may pag-amoy pa baka daw kalokohan lang ang laman. Hahaha, Nung nabuksan na nila karibok naman kase nga puropagkain ang laman at tawang tawa sila sa mga message na nakasulat hahaha.
Kahit sa konting bagay ay napasaya naman namin sila. sabi ko nga : We may not have the best girlfriends ever but we have the best of friends ever".

Equality

MANNY VS. THE WORLD




"Mas masahol pa sa hayop." 
Senatorial aspirant and Sarangani Rep. Manny Pacquiao had this to say when we asked him for his stand on same-sex marriage.

      I am also against same sex marriage, BUT the way Manny explained his opinion via this interview is VERY WRONG. Haha. Don't compare humans to animals. And let them choose whatever they want. God made us to be free of choosing anything. But I choose God above everything. He loves every human being He created, that I'm sure of. Pero grabe ang mas masahol pa sa hayop na term. Di ko kinaya! Hahaha.

     Its not really a valid argument to use your standards of morality with other people's standards for morality. Besides, this isn't an issue of morality but of discrimination. Really think about it, should we really deny people of their happiness based on a religion they may or may not be a part of? That's really unfair in their part.

I understand and respect your opinion, as I equally respect anyone else's opinion regarding this matter, but please think before you speak on such sensitive issues for other people, for you are a public figure and you influence and inspire others.

People not just in the country but all over the world look up to you, including me, including the Asians, the Americans, including people of the LGBT Community regardless of their belief, religion and race because of your hardwork, what will they say about this?

You have brought a name for the Philippines for your undeniable achievements in sports and the pride you gave to us Filipinos, but I personally think that you are not yet ready to run in the senate.


 If two people love each other and want to celebrate that love then who the hell are you to tell them to stop? Close minded people don't deserve a seat on the senate or the presidency.

Monday, March 7, 2016

Fiesta 2k16

ST. PETER's FEAST DAY




     February 22, 2016. Fiesta sa amin pero monday may pasok, Sadlife!pero absent ako syempre hahaha. Sabi ng mga kaibigan ko bago kam magklase ng 2 pm ay pupunta sila.Edi ayun naghihintay ako. Palagi naman ako naghihitay. Haha. Nagkausap usap kami sa chat eh mukhang mga tamad na tamad kasi nga umaga pupunta. Tapos etong si Karen at si Khate na pabebe ay hindi daw makakapunta, etong si karen masheket daw ang tyan tas etong si khate walang tao sa bahay (kala mo naman mabubuhat bahay nila) Hahaha. Edi okay(patampo effect). Tapos etong sila paran naman, undecided, complicated kumbaga hahaha.Hangang napagdesisyonan na paglabas na lang ng 6 pm sila pupunta. Edi ayun hintay pa din ako ng hintay(sanay na). Hanggang sa maghahapon na pati yung mga tao dito sa bahay nagtataka , bakit daw wala akong bisita hahah. Hanggang sa naghapon na, tradisyon na nagpoprusisyon tuwing hapon. Edi ayun sumama ako sa prusisyon kase wala pa nga sila. Habang nagpuprusisyon pasilangan hanggang makabalik na sa centro eh tintawagan ako ng pamangkin ko dahil nasa bahay na daw ang mga kumag, edi plano ko sana tapusin muna ang prusisyon pero umuwi na ko kase baka wala magasikaso sa kanila(pa-VIP) Paguwi ko edi ayun mga nakailang round na pala ng kain. Plano pala nila na isurprise ako sa pagdating nila. Wow! hahaha. Pero pagdating nila sila ang nasurprise kase wala ako hahahaha. Mga nagcutting na pala kase walang klase haha para daw mga makadami hahaha. Edi ayun  kwentuhan na lang. Masaya naman. Wala lang masyado bisita kase nga may pasok. Ayu lang. Bow!


Responsibilities

BEING RESPONSIBLE...



Ang pag aaral natin ay isang malaking parte ng ating kabataan.Ang pag aaral ang nagsisilbing pangalawang buhay natin bukod sa mga pansarili nating gawain sa buhay. Sa buong araw ng ating buhay sa pang araw araw ay halos kalahati ng araw natin ay nilalaan natin sa pag aaral at pagpasok sa paaralan bilang mga estudyante.Kalahati ng ating buhay at karanasan ay tumatakbo sa loob ng ating paaralan.

Bilang estudyante. dapat alam natin ang mga responsibilidad natin. Tulad na lang ng mga gawain sa school at projects. Bilang kagrupo dapat alam mo ang mga responsibilidad mo. Hindi lang yung kaya mong gawin ang gagawin mo, try mo ding gawin yung mga bagay bagay na sa tingin mo naman kaya mo. 

Sa isang grupo dapat lahat gumagawa, dapat lahat kumikilos. Kaya nga tinwag na grupo eh para magtulong tulong. Hindi mo dapat iasa na lang sa isa ang mga gawain kasi bakit pa sinabing grupo ku ng isa na lang ang gagawa edi sana individual na lang. May mga tao din naman na wala na ngang naitutulong pero once na utusan mo ng simpleng bagay eh sila pa yung nagagalit? Ang unresasonable diba, wala na nga naitutulong magagalit pa, dapat nga sila pa yung maamo kasi dapt nahihiya sila kasi wala na ngang naitutulong. May mga tao din naman na may kakayahan naman sa mga bagay bagay eh dahil sa katamaran na yan ay hindi kumikilos at kung ano-ano pa ang idadahilan. Ang hirap, kapag sa grupo merong ganun, sarap tanggalin diba. Hindi naman pwede yung magbebenefit sya sa bagay na dinaman nya pinaghirapan, masyado naman syang sinuswerte. 

Marunong dapat tayong gumawa ng bagay na tama at iwasan ang mali. Malalaki na tayo, alam na natin ang tama at mali. Alam na natin ang responsibilidad nating bilang estudyante. Kaya sana dapat kumilos tayo, gawin ang dapat gawin at iwasan ang reklamo!.

-Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay ang pagsisikap.

Gold Digger xx Crab Mentality

MATERIALISTIC GIRL



     Bakit may mga taong hindi natutuwa kapag may umaangat? Bakit may mga taong napaka inggitera? Bakit may mga taong mukang materyal na bagay?

             I think likas na talaga yun sa tao, na meron talagang mga taong hindi natutuwa kapag may umaangat. Bakit ganun? Kapag dumadating sa punto na sinuswerte ka, na pinaghirapn mo yung mga bagay bagay tapos nalamangan mo sila na hindi mo naman intensyon na magyabang eh may taong nagagalit at inggit na inggit sa meron ka. Bakit? Hindi ba pwedeng matuwa ka kase may naachive sya. Hindi ba pwedeng suportahan mo na lang kase wala naman ginagawang mali sayo yung tao. Bakit? Ang sama naman sa feeling na habang umaangat ka eh may hindi natutuwa sa pagangat mo diba. I think yung mga taong ganun ay dapat gawin na lang nating motivation na "mamatay ka s inggit". Hindi ko naman na ginusto na mas anggatan ka eh bakit ka nagagalit? Sa tingin mo ka[ag ikaw yung umaggat tas may nagagalit sayo masaya ba sa pakiramdam? diba hindi. Dapat hindi tayo magalit kapag may umaangat imbis matuwa tayo kase sino sino pa ba ang magtutulungan diba tayotayo din lang naman. 

            May mga tao din talaga na pera-pera lang lalo na sa love. Bakit ba may mga taong nasisilaw sa pera? Bakit mga materyal na bagay lang ang habol nila?. First, kung pera lang yung habol mo, eh pera na lang yung mahalin mo. Alam mo ba yung feeling na dahil sa pera mo lang kaya ka nya minahal, dahil lang sa mga binibigay mo kaya ka nya mahal? Diba sobrang sakit pag ganun? Paasahin mo na lang sana wag mo na lang perahan. Sana yung mga taong ganun  ay karmahin.

"There are some things that money can't buy... like manners, morals and integrity"




Presidential Debate

                          PILIpinas 2016




This isn't a personality contest. This is not a show for entertainment. This is a show to educate voters." - Miriam Defensor-Santiago
No one won the debate. The only awards are Best Speaker, Best Friendship Goals, Best in Advertising, & Best in Drama. 
Walang nangyareng maganda, puro lang sila pabanguhan ng pangalan. Nagfocus sila masyado sa basic needs ng tao at hindi na nila nasasagot ng ayos ang mga tanong sa kanila. Ganan ba ang dapat maging presidente natin ngayong 2016? People should be keen on choosing who will be the right President for our country. Nasa kamay natin ang kapalaran natin. Kung mga papabola lang tayo sa mabubulaklak  nilang salita eh walang mangyayare. Dun tayo sa tingin natin na mapapanindigan ang binitiwan nilang salit, hindi yung puro dada lang.  We must think a million time before we choose to any of them for the sake of our future. 
Puro lang din sila siraan at batuhan ng mga baho. Meron di  namang suportahan, 'Friendship Goals' ika nga. 
A message to the incoming President of this country, we need action not just words and promises. May the next president create a big and successful change in our country. All hope shall be restored.

"Good luck to you, good luck to all of us. May this country become what God has meant for it to be..."- Miriam Defensor-Santiago

Leadership group

AWESOME TEAM



That picture was our project in Goodgov. Photo essay ang project namin. As a group meron kaming iba ibang idea kung paano ang gagawin sa photo essay. Pinagusapan namin kung paano angt gagawin
at may ba iba nga kaming opinion. Edi ayun medyo magulo pa kasi hindi nga ngakaakisa yung idaea namin pero habang tumatagal, nagshashare pa kami ng idea hanggang sa maging isa na yung idea namin kung paano gagawin ang photo essay and yun ang tinatawag na teamwork. Yung myembro ng group namin ay hindi lahat magkakaclose yung iba lang. Pero dahil sa project na ito ayun mas nabuild yung closeness. 
Yung naging theme ng photo essay namin eh about the Leadership in 2016 and naisip namin na gawing instagram style na may mga pictures ng iabat ibang style ng leadership. Every letter nung leadership ay ginawan namin ng meanu=ing na characteristics ng isang leader. Inabot na kami ng gabi sa paggawa nun, Almost 2 days ata namin yun ginawa pero masaya naman hindi naman sila yung tipo ng kgroup na walang kwents, gumagawa lahat sila may designated part ang bawat isa na gagawin at walang kareklareklamo. Ayun nung pinasa na namin yun worth it naman kahit na meron pa daw kulang eh yung saming work pa din ang pinakaayos among others. Ayos Team, till next time! :)



Dream place

MALDIVES...



        I know everyone of has have their dream place to go. And i always have it dream place. This is Maldives. One of the country here in Asia. It is known to be one of the tourists spot in Asia.  Only 185 islands are home to its 300,000 inhabitants.  " According to the Ministry of Tourism, the emergence of tourism in 1972 transformed the economy, moving rapidly from dependence on fisheries to tourism. In just three and a half decades, the industry became the main source of income. Tourism was also the country's biggest foreign currency earner and the single largest contributor to the GDP. As of 2008, 89 resorts in the Maldives offered over 17,000 beds and hosted over 600,000 tourists annually. (c) Wikipedia. " When i see posts of some actors and actresses who went there, i just wish i wanna be there too.  I think this place is so peaceful. Their seas and oceans are as blue as the sky. They have lot of resorts over the country and it catches my attention. 




(c) Google

Those pictures are just some of the best beaches and resorts that can see in Maldives. Hoping that i can be there soonest. I promise that i will go there if i have my work na already unless otherwise fotuitous event happens. Haha



Bubwit kunno


ATTENTION SEEKER


             May issue na umalingawngaw sa isang sikat na kapehan. " May bubwit sa kape ko" . Isang babae na gustong sumikat at kumuha ng attention. " According to Jessa, it was about 9 pm when they ordered the coffee at Starbucks Addition Hills in Mandaluyong City. She did not finished her coffee at the store and decided to bring it home until she noticed that there was something hard inside her drink. When she took the lid off, she saw a dead mouse in the cup. “Pagka-stir ko, ‘dun ko nakita ‘yung daga. Then when I saw that, ‘Oh my gosh,’ as in hindi ko alam ang gagawin ko pero buti na lang hindi ko siya nabitawan bigla. Nanginginig na ako nun that time. Nagsusuka na ako.” (c) http://www.thedailypedia.com " See? Nakauwi na sya nung nalaman nyang may bubwit ang kape nya, nakainom na din sya nung nalaman nyang merong bubwit ang kape nya. Make sense, sinong maniniwala sayong babae ka, sinong maniniwala na nanggaling sa Starbucks mismo ang bubwit na yan. Baka naman alaga mo yan na gusto din magkape!. Sa susunod ate kung gagawaa ka ng issue gagaling galingan mo ha? Maggawa ka ng mas matibay na ebidensya. Ikaw din naman ang naisisra eh, hindi ka naman sisikat ate sa lagay mong yan, pagtitripan ka lang ng mga Memes Lord. Hahaha. ATTENTION SEEKER!!! Pwe! 

Tuesday, January 19, 2016

Relationshit

RELATIONSHIP NOWADAYS...



Noong wala pang cellphone at mga social media sites, makikilala mo lang ang isang tao kapag nagkita kayo ng personal. Ang ligawan noon, nagaganap sa bahay na may harana, may pag-aabang sa tapat ng bahay o kitaan sa may dati niyong tagpuan at kailangan niyo pang mag-set ng oras at lugar kung saan kayo magkikita kinabukasan at doon din mate-test ang patience at trust niyo sa isa’t-isa, kung pupunta ba siya o hindi. Noon din, makakatanggap ka ng mga love letters na effort talaga. Yun bang ipapabigay pa sa mga kaibigan niyo para lang mabasa mo o kaya nama’y iiwan sa gitna ng notebook mo. Ang I Love You noon, naririnig mo nang harap-harapan ng personal. Noon, mamimiss niyo ang isa’t-isa at may mga araw o linggo o buwan na hindi kayo nakakapag-usap pero sabik kayo sa isa’t-isa kaya may thrill at sparks pa rin. 
PERO NGAYON...
Ngayon, kilala mo na yung tao kahit hindi mo pa siya nakikita ng personal. Sa text na lang nanliligaw at sa chat na lang nagiging sweet. Ngayon din, isang text lang kung saan kayo magkikita, tapos minsan, last minute pa kung makapag-cancel ng lakad. Isang post na lang o text o chat at minsan, natatabunan pa ng ibang message niyo sa isa’t-isa. Yung I love You ngayon niya, nababasa mo na lang at punung puno pa ng emoticons. Ngayon, bawat segundo pwede niyo na makausap ang isa’t-isa, kaya yung iba, mabilis magsawa. Walang pa-miss effort.
Mas masarap pa rin ang lovelife noon noh. Pero iba iba naman tayo ng paniniwala and hello? Welcome sa 21st century! Nasa tao pa rin naman kung magiging ma-effort siya o aasa na lang niya sa technology ang love niya sa ‘yo. 
RealationSHIT sucks!


Barakofest 2k16

BARAKOFEST IN LIPA CITY



Barakofest 2016. Ang saya-saya. 

Dahil magfifiesta na sa Lipa, ayan na naman ang sari-saring events. Isa na nga dyan ang Barakofest 2k16 and Autonation. Merong live band at meron ding Dj. Ayos ang panonood ng live band kasi ang gaganda ng mga kanta. Hahaha. Music lover. Meron ding car show na naganap. After class pumunta na kami dun wt paran and philip. Andun na kami mga bandang 7pm pero hindi pa kami pumapasok sa loob kasi akala namin may bayad kasi may nakikita kaming may mga ticke, eh yun pala ay dun sa rave party ng 9 pm. Edi ayun larga na kami, pumasok na kami sa loob at tinatakan ng 'ILoveLipa'. Andaming magagandang sasakyan, may kotse na ang gaganda ng pailaw tapos ang dami pang mga award. Meron ding motor na yung normal na motor at meron din na ducati style na maliit na motor, ang cute cute nung maliliit na motor tapos ang poporma pa. Ang hindi namin inasahan na makita ay ang Jeep, jeep na super lupet, fiber yung floorings na may ilaw sa loob tapos super stainless ang body then ang ganda-ganda pa ng makina, nakakahiya tuloy sakyan. Naisip nga namin kung ipinapasada yun siguro ang mahal ng pamasahe dun. Hahaha. Umuwi muna kami, kasama ko si paran at si philip na sa amin daw matutulog. Eto namang si Arthur ay nagyaya papunta ulit dun pero may dala na kami wheels pabalik, edi largaaaa. Hahaha. Mga past 9 na kami nakarating dun and hindi kami makapasok kase ang dami ng tao sa loob. Ang ginawa namin ay lumiban na lamanbg kami sa bakod. Hahaha. Ninja moves. Nakita namin si Ginno na nagbebenta ng alak dun na 50 pesos per shot, ayun nagtry silang dalawa hahaha, ngibit sila eh , guhit daw sa lalamunan. Hahaha.

Nagutom kami at ayun nagkayakagan kumain sa tabi-tabi hanggang nauwi sa roadtrip. Nakasama din namin sina Xander at Kleber na inihatid namin sa kani-kanila. Mga paVIP amputs. :D. Edi ayun nakaabot kami sa Sampaguita at Bolbok. Habang nagpapahinga naulutan naman na magpunta kila carl. Pauyuhan pa kung pupunta nga o hindi hanggang napadaan kami sa Drive thru ng Mcdo at bumili at dadalhin daw kina Carl. Super lakas ng trip namin that time. Edi ayun nakaabot kami sa Pinagtongulan. Napatambay kami dun ng matagal tagal. Habang nakatambay , naisipan namang pumunta kila Jury kase malapit na nga, hahaha and guess what ayaw na ni arthur lamig na lamig na daw sya. Hahahah. Umuwi na lang kami taht time kase psaado ala una na nun. Ayun paguwi namain sa bahay mga bagsak ang mga mokong.

It was a great day. Super saya talaga pag biglaan. Till nextime guys!!!

Saturday, January 16, 2016

The Reunion

ESTOLE: THE REUNION



January 02, 2016. The Estole Family Reunion is conducted.

Nanay Tecla and Mamay Genio. Sila ang puno't dulo ng lahat. Walo ang anak ng mamay at nanay kabilang na ang aming lolo. Eight different families and their subordinates that unite as one. Karamihan ay hindi pa gaanong ngkakakilala. Minsan nagkakasalubungan na ay magpinsan na pala. Kaya this reunion is conducted kasi para nga mas makilala pa ang mga pinsan pinsan dahil sa dumadaming sanga sanga ng pamilya estole.  I think 1998 pa yung huling reunion at ang dami pang hindi buhay noon, unlike ngayon andaming mga pamangkin at apo. 

Different families are divided into 8 colors. The green, the red rose, the blue, the maroon, the violet, the orange, the yellow and yungb sa amin, the white team. Andaming activity na naganap, mga palaro, raffles and gift givings. Isa sa mga inabangan ay ang kalokalike ng Mamay at Nanay. Hahaha. Nakakatawa kase meron nga talagang kamukha sila and sila pa yung  mga bata na nakakuha ng mukha sa mamay at nanay. May mga palaro din na nilahukan ng bawat partisipante ng bawat pamilya at kaakibat ang mga premyo na nakalaan. 
Meron ding raffle na sa kasamaang palad ay hindi ako nabunot. Hahaha. Meron ding lechong baka na kaysarap. 

Hindi matutumbasan ang saya nung araw na yun. Maraming mga pinsan ang mga nakilala pa na hindi mo inaakala na pinsan na pala. Hahaha. Sobrang pagpapasalamat at nabigyan kami ng chance na makilala pa ang iba sa kanila. Sana magkaroon ulit ng susunod pang mga reunion at sana madami pa din ang pamilya ESTOLE. 

Family is where Life begins and Love never Ends.





Stress Reliever

FOOD PORN



Foods. One of my stress reliever.

Everyone of us merong stress reliever not only in terms of foods like playing video games, sleeping etc. But for me this is the best way to escape from stress. Kapag kumakain ka kase ayun nakakalimutan mo na yung stress lalo na kung masarap yung food.

Most of the time na nasstress ako eh in terms of schoolworks lalo na after exam. They know the drill na after exam, kakain! Kakain!. We go out at night, roadtrippin' and looking for some resto or food alleys. 

When you have a good food and a good friend to talk to, mawawala talaga yung stress mo. For example, masarap yung pagkain and hindi mo na maiisip yung stress syempre, magfofocus na yung isip mo dun sa food panigurado tapos ayun yung usapan nyong magkakaibigan maiiba na, hindi na yung problema na nakakapagstress sa inyo ang mapapagusapan nyo. 

Coffee, it is also the best way to eliminate stress. It makes me chill when i drink coffee. Nakakawala ng pagkabeastmode. 

Minsan naman kaya ka naiistress kasi gutom ka lang. Tapos after you eat a mountain of food ayun parang wala na yung stress. Iba kasi ang dating kapag busog ka. For me kase kapag may pagkain ayos na ako, kumbaga, 'pagkain lang sapat na'. Haha. 

Bakit List

'BUCKET LIST TO BAKIT LIST'


Bucket list. Siguro most of us gusto magtravel sa mga magagandang lugar kasama ang pamilya or kaibigan. 
And as an example, kaming magbabarkada gumawa ng bucket list bago magstart ang 2nd sem. Edi ayun isip-isip ng magagandang mapuntahan. Kanya kanyang opinyon at gusto kung saan. Hanggang sa naisip at naisulat na namin kung saan-saan kami pupunta. 

Ayun, planado na ang lahat, nakaset na yung date kung kelan kami pupunta sa lugar na yun. Iniisp namin na magsimula muna sa malapit. At napili muna nga namin puntahan ay sa EK. Most of us naman nakapunta na dun but hinding yung kami ang magkakasama. Gusto namin pumunta na kami yung magkakasama para mas enjoyable. Diba kapag barkada yung kasama mo, mas mageenjoy ka at lahat ng kabalahuraan ay magagawa mo. Haha. Edi ayun na nga Ek, set na, na before christmas vacatiob pupunta kami. Almost plantsado na lahat. The day before nagusap usap kami, kumustahan , baka kase may umurong and guess what happened, ayun na nga ang sinasabi, may umayaw then may umayaw na din iba kase nga ang basis nila kapag kasama lahat gora eh may umayaw edi yun. 

I'm really disappointed that time na pinagplanuhan ng ayos, usapang maayos and yet ganun yung mangyayare. Grabeeee lang talaga. Ayoko talaga sa lahat yung mga napopostponed na lakad, yung paasahin ka. Kulang na lang talaga magalit ako nun kase apat na lang kami matutuloy, diba ang saya. 

Time goes by. Yung iba pa naming pinagplanuhan hindi na rin natuloy, puro pangako. Hanggang sa ngayon wala pa ding natutuloy ni isa sa mga napagplanuhan namin. Sana di na lang ginawa yun. Ang hirap diba, sana hindi na lang nagcommit sa mga ganung bagay. Bukod sa strict yung parents, KJ din sila as weel. Wala man lang silang social life, sobarang tipid pa nila tapos wala naman kaming nakikitang pinaggagamitan ng inipon nila unless na lang for long term yung pimnagiipunan nila. Kaya eto, iilan na kaminhg nageenjoy sa buhay. Sila school bahay, tipid-tipd and yun hindi naman sila masaya unlike samin na Go enjoy the rest of our lives!. Maikli lang ang buhay kaya kung magiinarte ka dyan at magpapakaKJ habang buhay edi yan, hindi mo maeenjoy ang buhay. Try to expi some things na hindi naman masama kapag ginawa mo. 
Enjoy life to the fullest. Sana this year may matuloy naman na gala or whatsoever.

Bucket list to bakit list. Real quick. Bakit? Bakit pa tayo gumawa nun kung di din naman pala natin itutuloy.



Thursday, January 14, 2016

Stress in Family

BEING COMPARED...



I hate being compared to someone else. Everyone are unique in different ways. So Stop comparing.

Have you experineced compared to someone else? What does it feel? It hurts diba.
Sino ba naman ang matutuwa na ikumpara sya sa iba, diba parang ang sama sa pakiramdam na ikinukumpara ka. In fact naman hindi tayo pareparehas.

One of the best example is my parents. She is always comparing me to anyone, na ganito sila, ganyan.
At the first place naman naiintindihan ko sila, na ginagawa nila yun para mas ma-motivate ako. Pero i thnks that not the right way para sa ganung bagay. Lagi nya akong ikukumpara sa anak ng iba, na buti pa si ganto ang sipag ang bait. Kulang na lang sabihin ko eh bat nyo pa ako inianak, parang lumalabas eh ayaw nila sakin eh, kaya everytime na sinasabihan nila ko ng ganun feel ko down na down ako, na parang di nila ako anak. Anobayan. Wala naman ako karapatan na maghimutok pa at manisi kasi eto studyante pa nga lang ako and dependent pa ako sa kanila. Yung feeling na stress ka na sa schoolworks then paguwi mo, ayun, sermon dito, sermon dyan. I dont have a choice na tanggapin na lang, wag na umimik kase pag umimik pa magkakagulo lang. Nakakasama lang ng loob na ganun. 



Stress

STRESS HERE, STRESS THERE, STRESS EVERYWHERE.


I know that everyone are experiencing stress. Stress sa family, friends, money matter and many more. Karamihan sa nakakaranas ng stress ay natutuloyb sa pagkadepress. Siguro kaya sila nagkakaganun eh dinadamdam nila yung problema na they stay to that problem instead of letting it go or pass by. Pero karamihan naman eh meron silang mga stress reliever tulad ng pakikinig ng music, pagkain, pagshoshopping etc. 
Ako, naeexperience ko din yang stress na yan. Stress sa pamilya, sa schooling sa kaibigan. Pero minsan nagpatong patong na yung problema na lalo ka pang nastress. Yung feeling na pagod ka na sa school tas paguwi mo ang haharapin mo stress pa din, diba ang saya? na papagalitan ka pa nila, ganito ganyan. What i tend to do? syempre iwas ka dun sa stress, kain ng foods sa kwarto, play music. Sa kaibigan nakakastress din, yung feeling na kontra sila sa gusto mong gawin na dumadating sa punto na ang kj kj nila. Diba ang saya? Naghalohalo na yung stress, na hindi mo na alam kung ano ang uunahin mo. 
Siguro para maiwasan yung stress, we look on the positive side, hindi yung ikaw na yung nagpapastress sa sarili mo dahil sa kakaisip ng negative na bagay na pwede namang hindi mo isipin. 
I think the best way para maibsan yung stress eh , you talk to your closet friends, share your problem and talk with it. Mapapayuhan ka nila tungkol sa ganito, sa ganyan. And they will give you positive advice na maeenlighten yung isip mo sa mga bagay bagay. Ang sarap kayang magopen kapag may ready na makinig sayo . 
Stop focusing on how stressed you are and remember how blessed you are.



Girls will always be girls

GIRLS BE LIKE...


"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. 
smile emoticon

Thursday, January 7, 2016

Buhay Lalaki

BILANG LALAKI...


Bilang lalaki, hindi lahat ng obligasyon na samin. Oo, kami ang nanligaw. Pero hindi ibig sabihin, kami na lahat. Pag nasaktan ka, hindi ibig sabihin kami ang may kasalanan. Pag umiyak ka, hindi ibig sabihin kami lagi ang may kasalanan. Minsan kasalanan niyo din. Pero kaming mga lalaki, minsan, nilulunok ang pride namin at humihingi ng SORRY kahit hindi kami ang may kasalanan. Kesa naman sa lumaki
ang gulo diba? Pero alam niyo yung nakakainis? Tinutulad niyo kami sa ibang mga lalaki na andyan. hindi naman lahat ng lalaki Manloloko, hindi lahat sasaktan ka, hindi lahat iiwan at gagamitin ka. Porket ba niloko, sinaktan, iniwan, ginamit at pinaglaruan ka ng isang lalaki, lahat na ng lalaki ay pare-parehas? Kung pare-parehas din naman pala ang lahat ng lalaki, bakit ka pa ng hahanap ng lalaking mamahalin at sasagutin mo? Minsan nga, Babae ang may problema. Alam niyo kung bakit? Sasabihin niyo na walang nagmamahal sainyo dahil hindi kayo mahal ng
taong mahal niyo, sinasabi niyo na gusto niyo makita ng isang lalakeng magmamahal sa inyo ng totoo. Hello? Nasa tabi niyo lang kami. Yung tinatawag niyo na “CLOSE FRIEND” or “BEST FRIEND”. Kung ako sainyo piliin niyo yung lalakeng naging close sa inyo kasi they’re the person who knows you more than other boys do. Sila yung mga tipong ayaw kayong lokohin kasi alam nila sa sarili nila na kapag ginawa nila yun, masasayang yung pagmamahal, lalo na yung friendship na rinisk. Minsan nga nakakapagod maging lalaki kasi kami yung lagi dapat mag eeffort. Nakaasar nga eh, Diba dapat lalaki at babae ang nag eeffort? Kasi at first, Lahat ng tao EQUAL, Dapat may equal efforts and equal rights. And alam niyo? Nakakaloko pag mas naniniwala kayo sa ibang tao kesa samin. Kami ang boyfriend niyo tapos sila ang paniniwalaan nyo? Paano pag sinabi na patay na kami? Nasa isang relasyon nga tayo eh, Dapat may tiwala, TIWALA. Oo, Sabihin nating na naaakit kami sa ibang babae. Napapatingin lang. Pag wala na sila sa paningin namin, Wala na. Kayo rin naman mga babae diba? may dumaan lang diyan na pogi grabe kayo maka titig. Pero sainyo parin ang puso namin, Kayo parin ang mahal namin, hindi yung babaeng na nakita namin. 


"Lahat ng lalaki Gago pero once na makilala na nya ang taong mahal nya magbabago yan" - Chito Miranda

Tuesday, January 5, 2016

Top10

HAPPINESS...



April 3, 2015 this unexpected people unites. Hindi namin inaasahan na makakabuo kami ng sampo because ang alam lang namin eh kami kami lang pero look.
Hindi kami ganun magkakaclose as in pero because of this, ayun mas nabuild yung friendship samin. We came from different circle of friends but this time we made another circle of friends. The "Top 10". 
Alaiza, Jury, Aleisha, Michael, Jovert, Mariel, Jewel, Me(Jay), Justine and Carl. 
That time umakyat kami sa groto sa Cuenca and the after nagpunta kamin sa Lumampao na merong 1,500 steps. Nandun yung pagod, hingal at hirap sa pagbaba sa Lumampao and guess what we did nung makababa kami. BOATIIIIIING! 
 

Hindi sumakay sila Jewel at Mariel (duwag kasi) hahaha. Takot sila sumakay, mga kambing, Hahaha. That was a very very very awesome experince boating with your unexpected awesome friends. Ang saya tapos pagkababa pa namin na akala namin hati-hati sa bayad pero libre pala ni Carl. Yey!.
And eto na naman yung pagsubok, another 1,500 steps pabalik, pero walang sumuko, we are united as one. Picture picture para hindi ramdam ang pagod.


 

 


That experience was really awesome. Tired but happy. 
This sana mabuo ulit kami at magkaroon ng adventure. Sana din madagdagan kami para masaya. 

One way to get most out of life is to look upon it as an adventure.

"Together we stand, Together we fall" - Top10
#Top10 #MountainClimbing #Boating #Escapade #SummerChill

Monday, January 4, 2016

KampanyaSerye

PRESIDENTIAL CANDIDACY



Ngayong 2016, magkakaroon na muli ng panibagong mamumuno ng ating bansa. Kaya ba nilang baguhin at pagandahin ang sistema ng Pilipinas? Nariyan sina Mar Roxas, Jejomar Binay, Mirriam Defensor, Rodrigo Duterte at Grace Poe. Isa sa kanila ang magiging pangulo ng Pilipinas ngayong Mayo 2016. 


Si Jejomar Binay, ang dating Mayor ng Makati. Madami na ang experience ni Binay pagdating sa pulitika. Sya rin ang ika-15 na Bise-presidente ng Republika ng Pilipinas. Pero sa kanyang kalagayan marami ang bumabatikos sa kanya. Physical apperance, marami ang bumabatikos sa kanya dahil sya ay isang maitim at maliit na tao. Pero inspite of those criticism he continued to candidate.

VP Binay obviously did not consider his physical appearance a handicap. Against the odds, he managed to work his way up to the Vice Presidency and is still eyeing the highest position in the land – the Presidency. Now aged 72, Binay was in powerful posts in government throughout his political career. Most notable of all is his stint as Mayor of the country’s central business district Makati City, twice from 1986 to 1998 and, again, in 2001 to 2010. (c) getrealphilippines.com
Marami sa ating mga netizens ang hindi natutuwa sa mga antics ng ating VP, partikular na yung mga epal moves na napapansin natin mula sa kanya lately. Kahit pa gawan natin ng sandamakmak na memes si Binay, meron pa ding posibilidad na sya ang maging pangulo nating ngayong 2016. Maraming nagagalit sa kanya dahil sa mga ginagawa nya na may pangalan nya yuing mga relief goods, tinututulan nya ang pagbuwag sa political dynasty at atat syang maging pilipino. Hinding hindi ka makakakuha saking Kokey ka ng boto. 

Si Mar Roxas, isang politiko na nagsilbi sa Cabinet of the Philippines bilang Secretary of the Interior and Local Government mula 2012 hanggang 2015. Noong 2000 hanggang 2003 sya ay Secretary of Trade and Industry. Naging senador din sya noong 2004 hanggang 2010 at naging Secretary of Transportation and Communication noong 2011 hanggang 2012.


Gusto nya, mura lang ang lahat na pangunahing bilihin. Dahil diyan, kinilala syang  MR. PALENGKE. Ipinakita nya lalo na mahal nya ang maralita nang minsan, sa harap ng maraming kamera ng diyaryo at telebisyon, namasada. Dahil diyan, binansagan sya ring BOY PADYAK. Lalo syang hinangaan noong nagmahal ang bawang at sibuyas. Pinatunayan nya ang pagiging mahusay nyang lider. Dahil diyan, nagbuhat sya ng isang sakong sibuyas at tinawag syang BOY SIBUYAS at BAWANG din. Sabi nya nga, TAPAT SYA SA BAYAN, lalo na sa mga kaibigan na handa syang MAGPARAYA anytime. HUWAW! Lahat ng yan ay pawang kaplastikan lamang. Napakagaling mong magpakitang-tao, eh mukha ka namang tae. Kumikilos ka lang kapag may media, ano ka artista?. Napaka kapal ng mukha mo noong naging instant traffic enforcer ka na kelangan may nagvivideo para papurihan ka, punyeta! lalo mo lang pinasikip ang trapiko. Kaya ikaw hindi ka din makakatikim ng boto sakin. Mamigay ka na lang ng tsinelas!.
Si Mirriam Defensor-Santiago, nagsilbi sa sa tatlong sangay ng gobyerno, ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Isa sya sa The 100 Most Powerful Women in the World noong 1997 by The Australian magazine. Noong 1988, she was named laureate of the Ramon Magsaysay Award for government service, with a citation “for bold and moral leadership in cleaning up a corrupt-ridden government agency. Tumakbo sya noong 1992 sa presidential election ngunit nabigo sya. Noong 2012, she became the first Filipina and the first Asian from a developing country to be elected a judge of the International Criminal Court.

Merong libro si Defensor na "Stupid is Pag-ibig". Patok ito sa mga kabataan. Isa sa mga linya nya, 'If someone is flirting with you, please cooperate". Hahaha. Kumandidato sa Presidential elections nuong 1992 si Senator Santiago. Marami sa mga pre-election surveys nuon ang pinangunahan ng senadora bilang paboritong kandidato sa pagiging Pangulo. Inaasahan ng marami na s’ya na ang susunod na Pangulo pagkatapos ng term ng dating Pangulong Cory Aquino. Si Senator Miriam Santiago ay isang palaban, matalino at mataas ang pinag-aralan. Sa kasamaang palad ay hindi s’ya ang ininderso ng dating Pangulong Aquino. Pagkatapos ng matagal na pamamayagpag ng senadora sa no.1 spot sa mga pre-election survey ay biglang bumagsak ang kanyang rating sa no.3 sa huling survey bago ang 1992 Presidential elections. Maging sa mga unang araw ng bilangan ng boto, kitang-kita ang pangunguna ng senadora sa mga kalaban nito. Sa pagkagulat at pagkadismaya ng marami, si Fidel V. Ramos ang idineklarang Pangulo ng bansa nuong June 30, 1992. Naghabol ng recount sa Commission on Elections ang senadora at pinaratangan ang dating Pangulong Ramos na nandaya sa eleksyon pero walang nangyari.Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ang senadora na s’ya ay dinaya subalit tinanggap na ang katotohanang wala na s’yang magagawa pa tungkol dito.
Marahil nadaya nga sya noon, pero sana naman ngayon ay wala ng mangyaring ganun. Isa sya sa hinahangaan kong senadora. may posibilidad na makatikim ka ng boto sakin. Go Mirriam!

Si Grace Poe, sya ay ang chairperson ng Movie and Television Review and Clarification Board (MTRCB) noong 2010 hanggang 2012. Naging senadora din sya noong 2013. 

Ngayon ay nalalagay pa si Poe sa pagkadiskwalipika sa pagkandidato bilang presidente dahil sa isyu na hindi daw sya natural born Filipino. Bakit ngayon lang nila kinwestyon yan eh nakakandidato na hnga sya at naging senador na ng Republika ng Pilipinas. Ewan ko ba sa mga tao, lumaban kayo ng patas. Kung hindi kayo natatakot let them candidate, ano bang masama?, natatakot ba kayo? Pwe, ang cheap nyo naman. Paano sya iboboto ng tao eh ayan may mga issue ngang ganan. Haynako! 

Si Rodrigo Duterte, sya ay isang lawyer at isang politician in Visayas. Sinasabing sya ay isa sa may pinakamahabang termino sa pagiging mayor sa bansa. Pitong termino ang binuno nya sa pagiging mayor ng Davao City na equivalent sa 22 years. Naging Congressman at Vice-Mayor ng Davao City.



















Di ako aware kay Mayor Duterte o sa pamilya nito until recently. At sa totoo lang, gusto ko ang kaprangkahan nya. Sorry sa mga Human Rights na pilit na tinitira sya dahil kung susundin ba ang panukala nila...sa tingin ba nila ay magiging ligtas na lugar ang Davao? Sa aking pananaw, ang isang tao na gumawa ng krimen gaya ng pagpatay, paghalay, pagkidnap, teroristmo at kung ano pang karumal dumal ay hindi deserving sa kanyang "human rights". Bakit isinaantala ba nila ang "human rights" ng kanilang mga biktima? Di ba hindi? So bakit kelangan nila isalba? Kung gagawa ka ng bagay laban sa kapwa mo, dapat handa ka rin sa karmang babalik sa iyo. Kung si Duterte nalinis nya ang Davao, napasunod ang mga mamamayan ng Davao, bakit hindi ang buong Pilipinas? Okay lang sa akin kung ang buong pamilya nya ang humawak ng batas sa Pilipinas. Dahil hindi sila mandarambong. Ngayon lang ako nakakita ng pulitikong aminadong may mga kabit na hindi ginagamitan ng perang bayan para ibahay sa mga "Boracay Mansions". In short, ayaw nya ng mga intriga kaya open book sya. 
Karamihan ang tawag sa kanya ay 'Ang Beastmode ng Davao". Kilala sya sa pagiging striktong leader and i want his kind of leadership. Madaming tao ang nagaglit sa kanya dahil sa mga gingawa nya pero hindi nila alam na what Rodrigo is doing is not for himself, it is for the sake of his colleagues and countrymen. Sana hindi sya madisqualified, sana magkaroon na ng pagbabago sa Pilipinas. Hoping na manalo sya kapag nagkataon. Go Duterte! Ubusin mo ang mga kriminal :D.