Barakofest 2016. Ang saya-saya.
Dahil magfifiesta na sa Lipa, ayan na naman ang sari-saring events. Isa na nga dyan ang Barakofest 2k16 and Autonation. Merong live band at meron ding Dj. Ayos ang panonood ng live band kasi ang gaganda ng mga kanta. Hahaha. Music lover. Meron ding car show na naganap. After class pumunta na kami dun wt paran and philip. Andun na kami mga bandang 7pm pero hindi pa kami pumapasok sa loob kasi akala namin may bayad kasi may nakikita kaming may mga ticke, eh yun pala ay dun sa rave party ng 9 pm. Edi ayun larga na kami, pumasok na kami sa loob at tinatakan ng 'ILoveLipa'. Andaming magagandang sasakyan, may kotse na ang gaganda ng pailaw tapos ang dami pang mga award. Meron ding motor na yung normal na motor at meron din na ducati style na maliit na motor, ang cute cute nung maliliit na motor tapos ang poporma pa. Ang hindi namin inasahan na makita ay ang Jeep, jeep na super lupet, fiber yung floorings na may ilaw sa loob tapos super stainless ang body then ang ganda-ganda pa ng makina, nakakahiya tuloy sakyan. Naisip nga namin kung ipinapasada yun siguro ang mahal ng pamasahe dun. Hahaha. Umuwi muna kami, kasama ko si paran at si philip na sa amin daw matutulog. Eto namang si Arthur ay nagyaya papunta ulit dun pero may dala na kami wheels pabalik, edi largaaaa. Hahaha. Mga past 9 na kami nakarating dun and hindi kami makapasok kase ang dami ng tao sa loob. Ang ginawa namin ay lumiban na lamanbg kami sa bakod. Hahaha. Ninja moves. Nakita namin si Ginno na nagbebenta ng alak dun na 50 pesos per shot, ayun nagtry silang dalawa hahaha, ngibit sila eh , guhit daw sa lalamunan. Hahaha.
Nagutom kami at ayun nagkayakagan kumain sa tabi-tabi hanggang nauwi sa roadtrip. Nakasama din namin sina Xander at Kleber na inihatid namin sa kani-kanila. Mga paVIP amputs. :D. Edi ayun nakaabot kami sa Sampaguita at Bolbok. Habang nagpapahinga naulutan naman na magpunta kila carl. Pauyuhan pa kung pupunta nga o hindi hanggang napadaan kami sa Drive thru ng Mcdo at bumili at dadalhin daw kina Carl. Super lakas ng trip namin that time. Edi ayun nakaabot kami sa Pinagtongulan. Napatambay kami dun ng matagal tagal. Habang nakatambay , naisipan namang pumunta kila Jury kase malapit na nga, hahaha and guess what ayaw na ni arthur lamig na lamig na daw sya. Hahahah. Umuwi na lang kami taht time kase psaado ala una na nun. Ayun paguwi namain sa bahay mga bagsak ang mga mokong.
It was a great day. Super saya talaga pag biglaan. Till nextime guys!!!
No comments:
Post a Comment