Tuesday, January 19, 2016

Relationshit

RELATIONSHIP NOWADAYS...



Noong wala pang cellphone at mga social media sites, makikilala mo lang ang isang tao kapag nagkita kayo ng personal. Ang ligawan noon, nagaganap sa bahay na may harana, may pag-aabang sa tapat ng bahay o kitaan sa may dati niyong tagpuan at kailangan niyo pang mag-set ng oras at lugar kung saan kayo magkikita kinabukasan at doon din mate-test ang patience at trust niyo sa isa’t-isa, kung pupunta ba siya o hindi. Noon din, makakatanggap ka ng mga love letters na effort talaga. Yun bang ipapabigay pa sa mga kaibigan niyo para lang mabasa mo o kaya nama’y iiwan sa gitna ng notebook mo. Ang I Love You noon, naririnig mo nang harap-harapan ng personal. Noon, mamimiss niyo ang isa’t-isa at may mga araw o linggo o buwan na hindi kayo nakakapag-usap pero sabik kayo sa isa’t-isa kaya may thrill at sparks pa rin. 
PERO NGAYON...
Ngayon, kilala mo na yung tao kahit hindi mo pa siya nakikita ng personal. Sa text na lang nanliligaw at sa chat na lang nagiging sweet. Ngayon din, isang text lang kung saan kayo magkikita, tapos minsan, last minute pa kung makapag-cancel ng lakad. Isang post na lang o text o chat at minsan, natatabunan pa ng ibang message niyo sa isa’t-isa. Yung I love You ngayon niya, nababasa mo na lang at punung puno pa ng emoticons. Ngayon, bawat segundo pwede niyo na makausap ang isa’t-isa, kaya yung iba, mabilis magsawa. Walang pa-miss effort.
Mas masarap pa rin ang lovelife noon noh. Pero iba iba naman tayo ng paniniwala and hello? Welcome sa 21st century! Nasa tao pa rin naman kung magiging ma-effort siya o aasa na lang niya sa technology ang love niya sa ‘yo. 
RealationSHIT sucks!


No comments:

Post a Comment