PASKO SA PINAS!
Naalala ko pag malapit na ang Pasko ay naghahanda at nagkakabit na ng Christmas tree. Sari-saring palamuti ang nakakabit naayon sa gusto mo. At paramihan ng lagay ng regalo sa ilalim ng Christmas tree. Payak man ang Pasko sa Pinas, pero masaya pa rin. Iba talaga ang Pasko sa Pinas.
Pag malapit na ang kapaskuhan ay marami na ang mga Sales sa ibat-ibang mga mall. Sa paglilibot mo sa mga mall masaya ka na ng makakita ng mga taong masaya din kasama ang kanilang mga pamilya. Masayang kumakain at maganda ang bonding. Iba talaga ang pasko sa pinas.
Simbang gabi. Gigising ka ng alas kwatro ng umaga para magsimba at dapat mong kumpletuhin ang ang siyam na gabi bago ang pasko. Ang sarap pagdaanan ang ganun lalo pa’t kumpleto kayong magkapamilya na sabay-sabay na magsisimba. At pagdating ng ikadalawampu’t apat ng Disyembre ay sabay sabay din kayong mag mimisa de gallo at magpasalamat sa Diyos na masaya at buo kayo at lalo na sa kapanganakan ng Mahal na Cristo. Iba talaga ang pasko sa pinas.
Ang pagbibigay ng mga Ninang at Ninong ng regalo sa kanilang mga inaanak. Naalala ko pa noon tuwang tuwa ako pag malapit na ang Pasko sapagkat bigayan ng regalo. Nagmamano ka sa Ninong at Ninang mo. Hindi mawawala iyon sapagka’t bahagi na iyon ng ating kapaskuhan. Talagang iba pa rin ang pasko sa pinas.
Puto bumbong. Hindi ito nawawala sa labas ng simbahan tuwing misa sa kapaskuhan. Maaamoy mo ang mabangong niluluto ng mga ale. At hinding hindi ka makakahindi na bumili nyon. Bukod sa mabango ay napakasarap pa. Iba talaga ang pasko sa pinas.
Santa Claus. Bahagi na ng ating buhay mula sa pagkabata si Santa Claus. Salin salin sa bibig ng matatanda. Noon pinapalagay kami ng aming ina ng medyas sa bintana dahil daw dadating si Santa Claus at magbibigay ng regalo. Kaya kanya kanya din kami ng pili ng pinakamagandang medyas para bigyan kami ni Santa Claus ng magandang regalo. At kung mabait ka lang daw bibigyan ka ng regalo pero pag bad ka ay hindi ka bibigyan ni Santa Claus.At pag gising mo Presto! may regalo ka ng mga candy at iba iba pa. Ngunit ng tumanda na ako at nagkaisip ay nawala na si Santa Claus sa sistema ko. At takenote ako na ngayon si Santa Claus, ang tagalagay ng regalo sa mga medyas ng mga pamangkin ko . hahaha Iba talaga ang pasko sa pinas.
Salo-salo sa noche buena. Pagdating ng ikadalawampu’t apat ng gabi ay nagtitipon-tipon tayong mga mag anak. Minsan ang malalayo nating mga pamilya ay uuwi pa galing lungsod o saan man sila upang ipagdiwang lamang ang araw ng kapaskuhan. Sa paskong pinoy ay dapat buo ang pamilya at masaya. Iba talaga ang pasko sa pinas.
Kapanganakan ni Cristo. Iba-iba man ang pagdiriwang ng ating kapaskuhan. Isa lang ang tanging nagbibigkis sa atin pagdating ng pasko. Iyon ay ang kapanganakan ng ating Panginoon. Ang nagligtas sa ating sa kasalanan at nagmamahal sa atin ng buong tapat. Hindi mahalaga kung mayaman ka man o mahirap sa pasko basta’t ang importante ay buo ang pamilya nyo at nagkakaisa kayo. Iyon lamang ang kayamanang hindi matutumbasan ng kung ano man sa mundo. Ang mahalaga ay nagkakaisa tungo sa magandang kinabukasan. Alagaan ang isat isa at mahalin, iyon ang ibig iparating sa atin ng Diyos.
Maging masaya tayo at mahalin ang isat isa. IBA TALAGA ANG PASKO SA PINAS.
No comments:
Post a Comment