Wednesday, March 9, 2016

Ala-ala ng nakaraan

MEMORIES...




February 14, 2015...
Ang araw na nagustuhan kita at ang araw din na gumawa ako ng unang move. 
Hindi ko talaga alam kung bat koita nagustuhan. Siguro, sa kabibiro na din ayun nafall na ko sayo na dati rati sabi ko pa wag ka mafafall sakin tapos baliktad yung nagyare. Ikaw naman nagbigay din ng motibo haha. Edi ayun sa una fling fling lang , nagpapakiramdaman muna. Habang tumagal, lagi tayong magkasama, lagi tayong nagaasaran, lagi din tayong iisa ng trip. Hanggang sa dumating sa puntong ligawan na nga kita. Sabi mo hindi ka pa handa, wala pa sa isip mo ang magboyfriend pero ako, sabi ko handa ako maghintay, hindi kita minamadali, take your time. 
Maraming masasayang araw ang lumipas, marami ding hindi magagandang araw ang lumipas, tampuhan ek-ek. Pero bakit sa hinaba haba ng pagsasama natin, hindi din pala tayo sa huli, hindi din pala tayo ang para sa isat isa. Hindi kita sinukuan nun sa kabila ng kataasan ng pride mo, halos lunukin ko na nga yung sarili ko sa pagbaba ko ng pride magkaayos lang tayo pero bakit?. Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko. Bakit hindin pa din ikaw. Bakit kelangan pang matigil to. Kahit ilang beses mo na akong pinatitigil sa panliligaw kase puro away na nga lang eh nanliligaw pa lang ako pano pa kung maging tayo na. Yun yung nagstuck sa isip mo na baka kapag naging tayo lalo ng magaway pa. Pero yun yung pagkakamali mo, nagstay ka lang sa mga instinct at paniniwala mo. Ayaw mong hayaan yung sarili momg magexplore at alamin ang mga bagay bagay. Natatakot kang sumugal at masaktan, alam ko yun. Pero sana binigyan mo ng chance yung sarili mo namahalin ako kase ako handa ko ng ibigay ang lahat sayo kase sosbra kitang mahal NOON. Kinulong mo yung sarili mo sa paniniwal mong pare-pareho kaming mga lalaki. Dun ka nagkakamali. Boys will always be boys but this one is for sure, once na mafeel namin na nainlove na kami dun na dumadating at pumapasok yung pagkaseryoso namin. Lagi nyo sinasabing parepareho naman kaming mga lalaki, sasaktin at iiwan din namin kayo, parang mali ata, nagiging kayo yung parepareho. May time na ayaw nyo na kaming pakinggan, ayaw nyo kaming magexplain about everything kapag nagaaway tapos at the end of the day kapag nalaman nyo yung reasin namin magsisisi kayo, makokonsensya na bakit di nyo kami hinayaang magexplain. Kami kasing mga lalaki hilig naming magsinungaling in terms na mapangiti na lang kayo like surprises and stuffs. 
Kumusta na tayo ngayon, edi eto ni magusap hindi magawa. Siguro nga dapat hindi na kita niligawan eh. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana kung nagkakilala man tayo naging magkaibigan na lang tayo. Andaming nasayang eh, yung friendship at yung closeness. Ewan ko ba. 
That time nga nung pinatigil mo na ako at tumigil na nga ako kase, i think im done, i think its time naman para sa sarili ko, para sa sarili ko na sumaya at tanawin ang ganda ng buhay, hindi yung puro na lang away at sakit. Ang hirap. Di ko lubos maisip kung anong mangyayare sakin aftyer that. Para akong tanga nun na di mabubuhay na wala ka. That time kaya ko naman mabuhay na wala ka eh pero ayaw ko. Siguro nabulag din ako sa pagmamahal ko sayo na kahit ikaw yung may kasalanan magkaayos lang ako na yung magpapakumbaba na dumating sa puntong nasanay na ako sayo. At narealize ko na dahil dun naspoiled kita na kahit anong gawin  mong kalokohan mapapatawad pa din kita kase alam mo na mahal kita. Pano kaya kung hindi mo alam na mahal kita, magawa mo kaya yun?.
After all, nalaman kong lahat, yung mga sikreto mong tinatago, yung mga baho mo, at yung bad side ng ugali mo. Naisip ko nga buti na lang, buti na lang talaga. Nabulag talaga ako, masyado akong nagstay dunn sa mahal kita, hindi ko na naiisip na dapat mahal mo din yung sarili ko, kase kung pababayaan ko yung sarili ko para sa iba eh parang tanga lang, for the sake na sumaya lang yung iba nakakalimutan ko na yung sarili ko. 
This time, siguro alam ko na, hindi, this time alam ko na, na bago ko mahalin ang iba dapat mahal ko din yung sarili ko. Ang sakit. Ang sakit isipin na after all ng pinagdaanan ko mahahantong lang sa wala. 
Yung tayo, kahit walang tayo sobrang labo ng mabalik. Yung picture na yung nagsasabi na ganun na tayo kalabo. Malabo pa sa sabaw ng pusit. Siguro naging tanga talaga ako nung time na yun.
Sabi nga, kapag may umali may dadating. Kapag may nagsarang pinto , may bagong magbubukas. Eh pano kung ayaw mo ng bukasan yung pinto, paano mo makikita yung parating na bago. Yan yung nagyare sayo eh, you did'nt let your self to explore kaya eto ako yung nagdusa. 
Salamat. Salamat sa lahat. Makaakhanap din ako ng taong para sakin. Hindi pa ito yung tamang panahon, kelangan ko pang maghintay pa.

No comments:

Post a Comment