Ang pag aaral natin ay isang malaking parte ng ating kabataan.Ang pag aaral ang nagsisilbing pangalawang buhay natin bukod sa mga pansarili nating gawain sa buhay. Sa buong araw ng ating buhay sa pang araw araw ay halos kalahati ng araw natin ay nilalaan natin sa pag aaral at pagpasok sa paaralan bilang mga estudyante.Kalahati ng ating buhay at karanasan ay tumatakbo sa loob ng ating paaralan.
Bilang estudyante. dapat alam natin ang mga responsibilidad natin. Tulad na lang ng mga gawain sa school at projects. Bilang kagrupo dapat alam mo ang mga responsibilidad mo. Hindi lang yung kaya mong gawin ang gagawin mo, try mo ding gawin yung mga bagay bagay na sa tingin mo naman kaya mo.
Sa isang grupo dapat lahat gumagawa, dapat lahat kumikilos. Kaya nga tinwag na grupo eh para magtulong tulong. Hindi mo dapat iasa na lang sa isa ang mga gawain kasi bakit pa sinabing grupo ku ng isa na lang ang gagawa edi sana individual na lang. May mga tao din naman na wala na ngang naitutulong pero once na utusan mo ng simpleng bagay eh sila pa yung nagagalit? Ang unresasonable diba, wala na nga naitutulong magagalit pa, dapat nga sila pa yung maamo kasi dapt nahihiya sila kasi wala na ngang naitutulong. May mga tao din naman na may kakayahan naman sa mga bagay bagay eh dahil sa katamaran na yan ay hindi kumikilos at kung ano-ano pa ang idadahilan. Ang hirap, kapag sa grupo merong ganun, sarap tanggalin diba. Hindi naman pwede yung magbebenefit sya sa bagay na dinaman nya pinaghirapan, masyado naman syang sinuswerte.
Marunong dapat tayong gumawa ng bagay na tama at iwasan ang mali. Malalaki na tayo, alam na natin ang tama at mali. Alam na natin ang responsibilidad nating bilang estudyante. Kaya sana dapat kumilos tayo, gawin ang dapat gawin at iwasan ang reklamo!.
-Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay ang pagsisikap.
No comments:
Post a Comment