Wednesday, March 9, 2016

Ala-ala ng nakaraan

MEMORIES...




February 14, 2015...
Ang araw na nagustuhan kita at ang araw din na gumawa ako ng unang move. 
Hindi ko talaga alam kung bat koita nagustuhan. Siguro, sa kabibiro na din ayun nafall na ko sayo na dati rati sabi ko pa wag ka mafafall sakin tapos baliktad yung nagyare. Ikaw naman nagbigay din ng motibo haha. Edi ayun sa una fling fling lang , nagpapakiramdaman muna. Habang tumagal, lagi tayong magkasama, lagi tayong nagaasaran, lagi din tayong iisa ng trip. Hanggang sa dumating sa puntong ligawan na nga kita. Sabi mo hindi ka pa handa, wala pa sa isip mo ang magboyfriend pero ako, sabi ko handa ako maghintay, hindi kita minamadali, take your time. 
Maraming masasayang araw ang lumipas, marami ding hindi magagandang araw ang lumipas, tampuhan ek-ek. Pero bakit sa hinaba haba ng pagsasama natin, hindi din pala tayo sa huli, hindi din pala tayo ang para sa isat isa. Hindi kita sinukuan nun sa kabila ng kataasan ng pride mo, halos lunukin ko na nga yung sarili ko sa pagbaba ko ng pride magkaayos lang tayo pero bakit?. Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko. Bakit hindin pa din ikaw. Bakit kelangan pang matigil to. Kahit ilang beses mo na akong pinatitigil sa panliligaw kase puro away na nga lang eh nanliligaw pa lang ako pano pa kung maging tayo na. Yun yung nagstuck sa isip mo na baka kapag naging tayo lalo ng magaway pa. Pero yun yung pagkakamali mo, nagstay ka lang sa mga instinct at paniniwala mo. Ayaw mong hayaan yung sarili momg magexplore at alamin ang mga bagay bagay. Natatakot kang sumugal at masaktan, alam ko yun. Pero sana binigyan mo ng chance yung sarili mo namahalin ako kase ako handa ko ng ibigay ang lahat sayo kase sosbra kitang mahal NOON. Kinulong mo yung sarili mo sa paniniwal mong pare-pareho kaming mga lalaki. Dun ka nagkakamali. Boys will always be boys but this one is for sure, once na mafeel namin na nainlove na kami dun na dumadating at pumapasok yung pagkaseryoso namin. Lagi nyo sinasabing parepareho naman kaming mga lalaki, sasaktin at iiwan din namin kayo, parang mali ata, nagiging kayo yung parepareho. May time na ayaw nyo na kaming pakinggan, ayaw nyo kaming magexplain about everything kapag nagaaway tapos at the end of the day kapag nalaman nyo yung reasin namin magsisisi kayo, makokonsensya na bakit di nyo kami hinayaang magexplain. Kami kasing mga lalaki hilig naming magsinungaling in terms na mapangiti na lang kayo like surprises and stuffs. 
Kumusta na tayo ngayon, edi eto ni magusap hindi magawa. Siguro nga dapat hindi na kita niligawan eh. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana kung nagkakilala man tayo naging magkaibigan na lang tayo. Andaming nasayang eh, yung friendship at yung closeness. Ewan ko ba. 
That time nga nung pinatigil mo na ako at tumigil na nga ako kase, i think im done, i think its time naman para sa sarili ko, para sa sarili ko na sumaya at tanawin ang ganda ng buhay, hindi yung puro na lang away at sakit. Ang hirap. Di ko lubos maisip kung anong mangyayare sakin aftyer that. Para akong tanga nun na di mabubuhay na wala ka. That time kaya ko naman mabuhay na wala ka eh pero ayaw ko. Siguro nabulag din ako sa pagmamahal ko sayo na kahit ikaw yung may kasalanan magkaayos lang ako na yung magpapakumbaba na dumating sa puntong nasanay na ako sayo. At narealize ko na dahil dun naspoiled kita na kahit anong gawin  mong kalokohan mapapatawad pa din kita kase alam mo na mahal kita. Pano kaya kung hindi mo alam na mahal kita, magawa mo kaya yun?.
After all, nalaman kong lahat, yung mga sikreto mong tinatago, yung mga baho mo, at yung bad side ng ugali mo. Naisip ko nga buti na lang, buti na lang talaga. Nabulag talaga ako, masyado akong nagstay dunn sa mahal kita, hindi ko na naiisip na dapat mahal mo din yung sarili ko, kase kung pababayaan ko yung sarili ko para sa iba eh parang tanga lang, for the sake na sumaya lang yung iba nakakalimutan ko na yung sarili ko. 
This time, siguro alam ko na, hindi, this time alam ko na, na bago ko mahalin ang iba dapat mahal ko din yung sarili ko. Ang sakit. Ang sakit isipin na after all ng pinagdaanan ko mahahantong lang sa wala. 
Yung tayo, kahit walang tayo sobrang labo ng mabalik. Yung picture na yung nagsasabi na ganun na tayo kalabo. Malabo pa sa sabaw ng pusit. Siguro naging tanga talaga ako nung time na yun.
Sabi nga, kapag may umali may dadating. Kapag may nagsarang pinto , may bagong magbubukas. Eh pano kung ayaw mo ng bukasan yung pinto, paano mo makikita yung parating na bago. Yan yung nagyare sayo eh, you did'nt let your self to explore kaya eto ako yung nagdusa. 
Salamat. Salamat sa lahat. Makaakhanap din ako ng taong para sakin. Hindi pa ito yung tamang panahon, kelangan ko pang maghintay pa.

Tuesday, March 8, 2016

PG ft 3 Kings

POST-VALENTINES GIFTS




This surprise was conducted days after the valentines day.

     Before the valentines, naisip namin ni Paran at Philip na bigyan ng cake or gifts etong mga kaibigan namin babae. Then, isip kami ng isip if what we are going to give. As time goes by, naisip namin na bilhan na lang sila ng brownies or cookies at cupcakes para naman matuwa sila sa amin because we love them. Habang tumatagal parang may iba pa kami naiisp na gawin, para bang gusto naming gawan ng twist yung surprise namin kase minsan na nga lang magsurprise ayusin na. Edi ayun, naisip namin yung idea na bilhan na lang sila ng mg ibat-ibang pagkain at ilagay sa box. 

Noong bandang una chinachat ko sila, tinatanong ko kung ano yung kadalasan nila kinakain bukod dun s amga alam na namin na kinakain nila lagi, nagtaka sila bat ko tinatanong, ang sabi ko naman eh iboblog ko lang. Hahaha (Lusot). Edi ayun alam ko na yung mga kinakain nila kadalasan. 

Bumili na kami ng kelangan naming gamitin sa surprise. Bumili na kami ng box sa sm at ang idinahilan namin sa kanila eh pangsurprise ko daw sa baby ko hahaah. Paniwalang paniwala nga naman ang mga kumag haha. Tapos bumili na din kami ng ibang pagkain, pero ang dami pa naming di nabibili kaya naisipan namin nung tha day after eh pumunta kina paran na bahay at dun maggawa. Edi ayun, dun  na lang kami bumili ng iba pang pagkain at dun na din namin ginawa yung surprise. Nilagyan namin ng sticker note ang every pagkain na may message na may halong pambubully. Hahaha. Pagkatapos nun, pumasok na kami at takang taka sila kung ano daw at para kanino yung dala naming dalawang box. Syempre kami isip isip ng maidadahilan. Habang wala pa kaming klase sabi ko tulungan nila ako sa pagsusurprsie sa baby ko, yung team pempem at pg. Edi paniwala naman sila. Pinapasok namin sila sa classroom at pinapunta namin sa uana, pero ito namang si mariel ay kalokohan ay sya daw ang magvivideo, edi ayun habnag bi nibigaynnamin sa kanila yung box e andun sya sa likod hahah at eto namang mga mikong eh takang taka kung totoo daw na kanila yun at ayaw pa buksan at may pag-amoy pa baka daw kalokohan lang ang laman. Hahaha, Nung nabuksan na nila karibok naman kase nga puropagkain ang laman at tawang tawa sila sa mga message na nakasulat hahaha.
Kahit sa konting bagay ay napasaya naman namin sila. sabi ko nga : We may not have the best girlfriends ever but we have the best of friends ever".

Equality

MANNY VS. THE WORLD




"Mas masahol pa sa hayop." 
Senatorial aspirant and Sarangani Rep. Manny Pacquiao had this to say when we asked him for his stand on same-sex marriage.

      I am also against same sex marriage, BUT the way Manny explained his opinion via this interview is VERY WRONG. Haha. Don't compare humans to animals. And let them choose whatever they want. God made us to be free of choosing anything. But I choose God above everything. He loves every human being He created, that I'm sure of. Pero grabe ang mas masahol pa sa hayop na term. Di ko kinaya! Hahaha.

     Its not really a valid argument to use your standards of morality with other people's standards for morality. Besides, this isn't an issue of morality but of discrimination. Really think about it, should we really deny people of their happiness based on a religion they may or may not be a part of? That's really unfair in their part.

I understand and respect your opinion, as I equally respect anyone else's opinion regarding this matter, but please think before you speak on such sensitive issues for other people, for you are a public figure and you influence and inspire others.

People not just in the country but all over the world look up to you, including me, including the Asians, the Americans, including people of the LGBT Community regardless of their belief, religion and race because of your hardwork, what will they say about this?

You have brought a name for the Philippines for your undeniable achievements in sports and the pride you gave to us Filipinos, but I personally think that you are not yet ready to run in the senate.


 If two people love each other and want to celebrate that love then who the hell are you to tell them to stop? Close minded people don't deserve a seat on the senate or the presidency.

Monday, March 7, 2016

Fiesta 2k16

ST. PETER's FEAST DAY




     February 22, 2016. Fiesta sa amin pero monday may pasok, Sadlife!pero absent ako syempre hahaha. Sabi ng mga kaibigan ko bago kam magklase ng 2 pm ay pupunta sila.Edi ayun naghihintay ako. Palagi naman ako naghihitay. Haha. Nagkausap usap kami sa chat eh mukhang mga tamad na tamad kasi nga umaga pupunta. Tapos etong si Karen at si Khate na pabebe ay hindi daw makakapunta, etong si karen masheket daw ang tyan tas etong si khate walang tao sa bahay (kala mo naman mabubuhat bahay nila) Hahaha. Edi okay(patampo effect). Tapos etong sila paran naman, undecided, complicated kumbaga hahaha.Hangang napagdesisyonan na paglabas na lang ng 6 pm sila pupunta. Edi ayun hintay pa din ako ng hintay(sanay na). Hanggang sa maghahapon na pati yung mga tao dito sa bahay nagtataka , bakit daw wala akong bisita hahah. Hanggang sa naghapon na, tradisyon na nagpoprusisyon tuwing hapon. Edi ayun sumama ako sa prusisyon kase wala pa nga sila. Habang nagpuprusisyon pasilangan hanggang makabalik na sa centro eh tintawagan ako ng pamangkin ko dahil nasa bahay na daw ang mga kumag, edi plano ko sana tapusin muna ang prusisyon pero umuwi na ko kase baka wala magasikaso sa kanila(pa-VIP) Paguwi ko edi ayun mga nakailang round na pala ng kain. Plano pala nila na isurprise ako sa pagdating nila. Wow! hahaha. Pero pagdating nila sila ang nasurprise kase wala ako hahahaha. Mga nagcutting na pala kase walang klase haha para daw mga makadami hahaha. Edi ayun  kwentuhan na lang. Masaya naman. Wala lang masyado bisita kase nga may pasok. Ayu lang. Bow!


Responsibilities

BEING RESPONSIBLE...



Ang pag aaral natin ay isang malaking parte ng ating kabataan.Ang pag aaral ang nagsisilbing pangalawang buhay natin bukod sa mga pansarili nating gawain sa buhay. Sa buong araw ng ating buhay sa pang araw araw ay halos kalahati ng araw natin ay nilalaan natin sa pag aaral at pagpasok sa paaralan bilang mga estudyante.Kalahati ng ating buhay at karanasan ay tumatakbo sa loob ng ating paaralan.

Bilang estudyante. dapat alam natin ang mga responsibilidad natin. Tulad na lang ng mga gawain sa school at projects. Bilang kagrupo dapat alam mo ang mga responsibilidad mo. Hindi lang yung kaya mong gawin ang gagawin mo, try mo ding gawin yung mga bagay bagay na sa tingin mo naman kaya mo. 

Sa isang grupo dapat lahat gumagawa, dapat lahat kumikilos. Kaya nga tinwag na grupo eh para magtulong tulong. Hindi mo dapat iasa na lang sa isa ang mga gawain kasi bakit pa sinabing grupo ku ng isa na lang ang gagawa edi sana individual na lang. May mga tao din naman na wala na ngang naitutulong pero once na utusan mo ng simpleng bagay eh sila pa yung nagagalit? Ang unresasonable diba, wala na nga naitutulong magagalit pa, dapat nga sila pa yung maamo kasi dapt nahihiya sila kasi wala na ngang naitutulong. May mga tao din naman na may kakayahan naman sa mga bagay bagay eh dahil sa katamaran na yan ay hindi kumikilos at kung ano-ano pa ang idadahilan. Ang hirap, kapag sa grupo merong ganun, sarap tanggalin diba. Hindi naman pwede yung magbebenefit sya sa bagay na dinaman nya pinaghirapan, masyado naman syang sinuswerte. 

Marunong dapat tayong gumawa ng bagay na tama at iwasan ang mali. Malalaki na tayo, alam na natin ang tama at mali. Alam na natin ang responsibilidad nating bilang estudyante. Kaya sana dapat kumilos tayo, gawin ang dapat gawin at iwasan ang reklamo!.

-Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay ang pagsisikap.

Gold Digger xx Crab Mentality

MATERIALISTIC GIRL



     Bakit may mga taong hindi natutuwa kapag may umaangat? Bakit may mga taong napaka inggitera? Bakit may mga taong mukang materyal na bagay?

             I think likas na talaga yun sa tao, na meron talagang mga taong hindi natutuwa kapag may umaangat. Bakit ganun? Kapag dumadating sa punto na sinuswerte ka, na pinaghirapn mo yung mga bagay bagay tapos nalamangan mo sila na hindi mo naman intensyon na magyabang eh may taong nagagalit at inggit na inggit sa meron ka. Bakit? Hindi ba pwedeng matuwa ka kase may naachive sya. Hindi ba pwedeng suportahan mo na lang kase wala naman ginagawang mali sayo yung tao. Bakit? Ang sama naman sa feeling na habang umaangat ka eh may hindi natutuwa sa pagangat mo diba. I think yung mga taong ganun ay dapat gawin na lang nating motivation na "mamatay ka s inggit". Hindi ko naman na ginusto na mas anggatan ka eh bakit ka nagagalit? Sa tingin mo ka[ag ikaw yung umaggat tas may nagagalit sayo masaya ba sa pakiramdam? diba hindi. Dapat hindi tayo magalit kapag may umaangat imbis matuwa tayo kase sino sino pa ba ang magtutulungan diba tayotayo din lang naman. 

            May mga tao din talaga na pera-pera lang lalo na sa love. Bakit ba may mga taong nasisilaw sa pera? Bakit mga materyal na bagay lang ang habol nila?. First, kung pera lang yung habol mo, eh pera na lang yung mahalin mo. Alam mo ba yung feeling na dahil sa pera mo lang kaya ka nya minahal, dahil lang sa mga binibigay mo kaya ka nya mahal? Diba sobrang sakit pag ganun? Paasahin mo na lang sana wag mo na lang perahan. Sana yung mga taong ganun  ay karmahin.

"There are some things that money can't buy... like manners, morals and integrity"




Presidential Debate

                          PILIpinas 2016




This isn't a personality contest. This is not a show for entertainment. This is a show to educate voters." - Miriam Defensor-Santiago
No one won the debate. The only awards are Best Speaker, Best Friendship Goals, Best in Advertising, & Best in Drama. 
Walang nangyareng maganda, puro lang sila pabanguhan ng pangalan. Nagfocus sila masyado sa basic needs ng tao at hindi na nila nasasagot ng ayos ang mga tanong sa kanila. Ganan ba ang dapat maging presidente natin ngayong 2016? People should be keen on choosing who will be the right President for our country. Nasa kamay natin ang kapalaran natin. Kung mga papabola lang tayo sa mabubulaklak  nilang salita eh walang mangyayare. Dun tayo sa tingin natin na mapapanindigan ang binitiwan nilang salit, hindi yung puro dada lang.  We must think a million time before we choose to any of them for the sake of our future. 
Puro lang din sila siraan at batuhan ng mga baho. Meron di  namang suportahan, 'Friendship Goals' ika nga. 
A message to the incoming President of this country, we need action not just words and promises. May the next president create a big and successful change in our country. All hope shall be restored.

"Good luck to you, good luck to all of us. May this country become what God has meant for it to be..."- Miriam Defensor-Santiago

Leadership group

AWESOME TEAM



That picture was our project in Goodgov. Photo essay ang project namin. As a group meron kaming iba ibang idea kung paano ang gagawin sa photo essay. Pinagusapan namin kung paano angt gagawin
at may ba iba nga kaming opinion. Edi ayun medyo magulo pa kasi hindi nga ngakaakisa yung idaea namin pero habang tumatagal, nagshashare pa kami ng idea hanggang sa maging isa na yung idea namin kung paano gagawin ang photo essay and yun ang tinatawag na teamwork. Yung myembro ng group namin ay hindi lahat magkakaclose yung iba lang. Pero dahil sa project na ito ayun mas nabuild yung closeness. 
Yung naging theme ng photo essay namin eh about the Leadership in 2016 and naisip namin na gawing instagram style na may mga pictures ng iabat ibang style ng leadership. Every letter nung leadership ay ginawan namin ng meanu=ing na characteristics ng isang leader. Inabot na kami ng gabi sa paggawa nun, Almost 2 days ata namin yun ginawa pero masaya naman hindi naman sila yung tipo ng kgroup na walang kwents, gumagawa lahat sila may designated part ang bawat isa na gagawin at walang kareklareklamo. Ayun nung pinasa na namin yun worth it naman kahit na meron pa daw kulang eh yung saming work pa din ang pinakaayos among others. Ayos Team, till next time! :)



Dream place

MALDIVES...



        I know everyone of has have their dream place to go. And i always have it dream place. This is Maldives. One of the country here in Asia. It is known to be one of the tourists spot in Asia.  Only 185 islands are home to its 300,000 inhabitants.  " According to the Ministry of Tourism, the emergence of tourism in 1972 transformed the economy, moving rapidly from dependence on fisheries to tourism. In just three and a half decades, the industry became the main source of income. Tourism was also the country's biggest foreign currency earner and the single largest contributor to the GDP. As of 2008, 89 resorts in the Maldives offered over 17,000 beds and hosted over 600,000 tourists annually. (c) Wikipedia. " When i see posts of some actors and actresses who went there, i just wish i wanna be there too.  I think this place is so peaceful. Their seas and oceans are as blue as the sky. They have lot of resorts over the country and it catches my attention. 




(c) Google

Those pictures are just some of the best beaches and resorts that can see in Maldives. Hoping that i can be there soonest. I promise that i will go there if i have my work na already unless otherwise fotuitous event happens. Haha



Bubwit kunno


ATTENTION SEEKER


             May issue na umalingawngaw sa isang sikat na kapehan. " May bubwit sa kape ko" . Isang babae na gustong sumikat at kumuha ng attention. " According to Jessa, it was about 9 pm when they ordered the coffee at Starbucks Addition Hills in Mandaluyong City. She did not finished her coffee at the store and decided to bring it home until she noticed that there was something hard inside her drink. When she took the lid off, she saw a dead mouse in the cup. “Pagka-stir ko, ‘dun ko nakita ‘yung daga. Then when I saw that, ‘Oh my gosh,’ as in hindi ko alam ang gagawin ko pero buti na lang hindi ko siya nabitawan bigla. Nanginginig na ako nun that time. Nagsusuka na ako.” (c) http://www.thedailypedia.com " See? Nakauwi na sya nung nalaman nyang may bubwit ang kape nya, nakainom na din sya nung nalaman nyang merong bubwit ang kape nya. Make sense, sinong maniniwala sayong babae ka, sinong maniniwala na nanggaling sa Starbucks mismo ang bubwit na yan. Baka naman alaga mo yan na gusto din magkape!. Sa susunod ate kung gagawaa ka ng issue gagaling galingan mo ha? Maggawa ka ng mas matibay na ebidensya. Ikaw din naman ang naisisra eh, hindi ka naman sisikat ate sa lagay mong yan, pagtitripan ka lang ng mga Memes Lord. Hahaha. ATTENTION SEEKER!!! Pwe!